Thursday, September 06, 2007

ode sa katangahan..

nakokonsyensya kaya sya.
o ang ngiti nya'y hanggang tenga
kasi isang tulad ko nagoyo nya
di bale sana kung gwapo sya


is he sorry kaya
dahil puso ko'y inumbag-umbag nya
nagsinungaling at ako'y pinaasa
leche syang talaga


pero bakit ganun kahit gigil ako sa kanya
magalit ng todo sa kanya'y di ko magawa
o talagang ang tanga-tanga ko lang talaga
nagpauto sa isang taong walang kwenta


so ngayon lalake masaya ka na ba
may isa na namang babae kang pinaluha
di bale sigurado namang ikaw'y makakarma
at balang araw ako'y iyong maaalala


so pano ba yan goodbye na
isa ka ring tanga ako'y iyong pinalaya
ang swerte mo na nga pinatulan kita
dahil nde tayo bagay sa paningin ng iba


oo na! sige fine! mahal pa rin kita
pero letch, di ako ganung katanga
na magpaka-martyr at magmukhang gaga
kaya bahala ka sa buhay mo, makarma ka sana!

1 comments:

totomai said...

patay tayo diyan. hehe, nakakatuwa ang ode na to. di ko alam kung galit o sarcastic o nang aasar sa pinatatamaan mo. hehe

musta lang po

Obedient NonConformist (old blog) © 2008 | Coded by Randomness | Illustration by Wai | Design by betterinpink!