naghahalunkat kasi ako ng old blogs ko from my xanga (www.xanga.com/sweet_sentiments) tapos nakita ko to.....syempre sumakit na naman tyan ko, LOL......
mahaba e, pero pramis sasakit talaga tyan nyo kakatawa, LOL..... bigay ko na lang link kasi nga mahaba --> eto na lang yung link
pero alam ko, chances are e tatamarin kayong i-click yang link na binigay ko e eto teaser....mga isa sa mga maraming fave parts ko ng kwento nyan, LOL
exerpt 1:
Lintek, sabi nga nung isang
workmate ko, the fact na nag-apply na ako for TIN, dinedeclare ko na sa
gobyerno na puwede na nilang kupitan, err, kaltasan ang maliit kong
suweldo. Ako na nga ang magbibigay ng pera sa kanila, ako pa ang
hinihigpitan. Tanginang gobyerno yan, kahit kailan talaga pahirap sa
mga tao.
exerpt 2:
"Saan ang Certificate of Employment mo?"
Nammannnnn!!!! Ano ba'to? Twilight Zone? Napasok ba ako sa isang loop?
"Bosing, hindi po ako regular employee e. Freelance writer po ako."
"Ano yun?"
NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
exerpt 3:
Pikon na pikon ako, grabe. Pag-uwi, nakaubos yata ako ng isang pitsel
ng gulaman. Hinintay kong humupa ang tila-nuclear holocaust ng galit sa
loob ng dibdib ko. Punyetang gobyerno ito!!! Letse!!! Hindi mahuli-huli
yung mga tax evaders, hindi mabigyan-bigyan ng TIN yung mga
nagmamagandang loob na magbayad ng buwis!!! Tangina, no wonder may
lumolobo tayong mga deficit!!! Syet!!! Ano nangyari sa iodized salt
campaign ni Ramos!!!
0 comments:
Post a Comment