Wednesday, March 18, 2009

hindi states..nasa cebu ako..

interesting small talks....

warning: rated r ung isa, LOL


mani vendor: mani mani bagong luto...
after 10 minutes
mani vendor: *nag-abot ng mani ke kunduktor*
konduktor: *umayaw*
driver: di ka kumakain ng mani?
konduktor: hindi e...pag bagong hugas lang

welkam to the pilipins!! LOL



sa internet shop....

me: pa-internet...
lalaki: sige dun, sa number 5....bakit ngayon lang kita nakita ulit?
me: ah..eh...na-assign ako sa cebu ng matagal....
lalaki: ah.... kaya pala tagal kitang hindi nakita dito....





habang tumatawag ng magtataho....

me: manong! manong!
manong: *lumapit*
me: mainit pa ba pu yang taho?
manong: di na e. kanina pa kasi yang umaga (11 na kasi nun)
me: ay sadness...cge pabili sampung piso..extra arnibal pu ulit ha..
manong: ma'am ang tagal kitang hindi nakita ah..nag-abroad ka ba?
me: ay hindi pu, na-assign ako sa cebu..manong extra sago na rin..




sa bpi...

guard: *habang binubuksan ang pinto* ma'am. artista daw po kayo?
me: ha? may artista bang nagji-jeep?



habang nakaupo sa tapat ng sari-sari store ng kaibigan

tita (nanay ng friend ko): si marlin ba yan?
friend ko: opo si marlin
tita (nanay ng friend ko): parang bumata ka ah
friend ko: nasa ibang timezone kasi sya

mwehehe.... ang totoo madilim kasi nung nakita ako ni tita.....



sa lugawan....

me: kuya, kalahating lugaw na may itlog..kalahating binagoongan at kalahating kanin at isang pop cola.....magkano lahat?

yes, onli in da pilipins




sa palengke...

me: ate kalahating baboy
tindera: pang-ano?
me: pang-gisa
tindera: ang tagal mong nawala ah. nag-abroad ka ba?
me: ay hindi pu. na-assign ako ng matagal sa cebu...magkano kalahating kilo sa pitso ng manok?

pinangatawanan ko na ung cebu para consistent......wehehe...

0 comments:

Obedient NonConformist (old blog) © 2008 | Coded by Randomness | Illustration by Wai | Design by betterinpink!