Wednesday, March 04, 2009

on mayonnaise sa buhok at cuticle remover sa talampakan....


gusto mo ng mapulang paa?

Once may nakita akong girl, nakasandals, ang cute cute cute ng paa nya. Yung mapula ba yung sakong. Eh di 'may i' inggit to the max menthol candy naman ako (singit lang yung menthol candy ha). Gusto ko ganun din paa ko. Eh di 'may i' chika to my friend ako dun sa nakita ko. Sabi ko gusto ko rin ng ganung paa. Sabi nya sa kin "hello??!!, maputi ka ba? kaya naging ganun paa nun kasi maputi sya". Impaktang yun! Na-hurt ako dun ah. Buti na lang friendliship ko sya, kaya kahit gusto ko na syang sabunutan eh, wala, dedma na lang.


Eh kaso after ilang araw may nakita na naman akong girlash na cuty rin ang paa. naka-kikay sya ng shoes. Siyet! gusto ko ganung paa. Eh di, inggitation na naman ako.


Pag-uwi ko ng bahay hinagilap ko cuticle remover sa bahay, at nag 'may i' paint ako jan ng paa. Hoy! ilalim lang ng paa ko noh! Ano ba tawag dun? sole? Basta ayun. Nung una ang pula nya sobra. Parang nakaapak ako ng dugo ng manok sa palengke. In short, swangit!. Binanlawan ko na lang, tapos nilagyan ko yung iba pang puting part ng paa ko (yung sa gilid-gilid ng paa natin na part pa rin ng sole). Mga ilang araw ko rin ginawa yun para ma-master ko kung saan yung dapat meydo pink alin ang hindi. Ayun!


So one day, "may i' suot ako nung sandals ko jan. Tapos ni-flaunt ko ang aking cutie na faa (paa). O di ba. Kaso halos mamatay sa tawa yung friendliship ko nung malaman nya kung pano ko pininturahan yung faa ko. Paki ko! If i know, inggit lang sya. LOL


Pero kala mo dun na titigil ang aking ka-abnormalan? Di pa noh! Eto ang aking- tandadan!




healthier shinnier hair? time for lady's choice mayonnaise!


Sabi nila maganda raw conditioner yung mayonnaise sa buhok. Eh ako naman, basta ka-artehan sa buhay nangunguna ako jan. Symepre nag-try din ako. Bumili ako ng lady's choice mayonnaise. Ayoko ng best food, di masarap yun eh (as if naman!). Tapos ginawa ko na syang shampoo. Niloloko nga ako ng mga pinsan ko na kulang nalang daw sa kin monay o pandesal. After mga ilang minutes binanlawan ko na sya. Sunday nun eh, magsisimba kami ng mga pinsan ko. Pagkatapos kong maligo (at magbanlaw ng buhok ng pagkadaming beses) eh di bihis na agad ako (kundi mumurahin ako ng mga pinsan ko kung matagal na naman ako). Kaso pagdating sa simbahan.. Mega! Amoy macaroni salad na ako! Kulang na lang pickles. Ang hirap pala banlawin nun, sobra. Eh sus! gumanda nga ang buhok ko, ang mga ka-fafa-han naman lumalayo sa asim ko. Simula nun kinalimutan ko na ang paggamit ng mayonnaise. Isa na sya sa mga masama kong panaginip. Haha.


Ano pa inii-scroll mo? Tapos na noh.


 


a repost from my old secret xanga site... hehe

0 comments:

Obedient NonConformist (old blog) © 2008 | Coded by Randomness | Illustration by Wai | Design by betterinpink!