oo birthday ko ngayon.
so anong ginagawa ko? anong handa ko?
wala.
nagluto ako ng instant pancit canton at kumain (w/ matching 2 slices ng tasty). mag-isa. sinamahan ko rin ng konting potato chips at carbonated water (umiiwas ako sa coke).
habang kumakain ako bigla akong nalungkot. na-miss ko na naman pamilya ko. tatay ko. kapatid ko. aso ko. kung nasa pinas ako ngayon siguro nasa greenbelt ako ngayon at kumakain sa italianis or nasa cpk siguro ako ngayon at umo-order ng paborito kong tiramisu. or nasa serendra, sa brazil-brazil at kinukulit ang waiter na maglabas pa ng grilled banana (saba). at pagdating ko nang bahay, malamang lalantakan ko yung frozen brazo na in-order ko ke ange a week before para sa birthday ko pero nangangalahati na dahil hindi ko matiis hindi pag-tripang kainin.
hay.
ewan ko nga ba at bakit nagda-drama ako. wala naman akong dapat i-expect dahil ang mga close friends ko nasa pinas lahat. pero ewan ba. parang may kulang lang talaga.
ang engots ko naman kasi at nakalimutan kong mag RSVP dun sa mini cocktail party invitation netong apartment building ko. e di sana may ka-chikahan ako ngayon at hindi etong nanghahaba nguso ko. kahit na parang puro matatanda mga nakita ko kaninang nakaabang sa venue ng party e atleast may kasama ako.
kanina nga pala pagdating ko sa office may bday card sa cube ko. bday card na may bday greetings ng mga officemates ko. kakatuwa rin. yung ibang pangalan nga lang dun hindi ko kilala.
hindi naman sa nagse-self pity. excuse me. independent woman itoh. pero lech. ewan ko ba anong nangyari. kinondisyon ko na sarili kong wag mag-inarte sa birthday ko e. kasi alam ko nang ganito ang mangyayari lalo pa na weekday birthday ko. pero ewan ko ba. nasanay lang siguro ako na nase-celebrate ko kahit paano ang birthday ko sa mismong 18. o di ba. umiral na naman pagiging ma-drama ko sa buhay. napaka-drama queen ko talaga.
nasusuka ako. naumay ata ako sa pancit canton na kinain ko. anong oras na ba? 6:50 pm na pala. happy birthday to me. ay hindi pala, kasi 19 nasa pinas so hindi ko na birthday.
ewan. makatulog na nga.
p.s.
maraming salamat nga pala sa mga bumati.
pinasaya nyo ako.
at sa yo na nagbigay ng $100. hindi ko
yun ine-expect. sobrang na-touch
talaga ako. salamat. nami-miss na
talaga kita. next year. uuwi talaga ako
para jan mag-celebrate ng birthday ko.
punta tayo ng boracay ha. matagal ko nang
wish mag-celebrate ng birthday dun e.
0 comments:
Post a Comment