Friday, April 25, 2008

pano pag nadulas ako sa banyo?


ang gusto ko lang naman tumahimik ang mundo ko e. alam ko kasi ako din nagpapagulo nun e. alam ko pag binitawan ko na ang lahat ng dapat kong bitawan darating na yung hinihintay ko. kaso napaka mainipin ko naman kasi.

kaya ko naman tumayo mag-isa e. pero "no man is an island" nga e di ba? naghahanap ka rin talaga ng makakausap. hindi yung mga reminder sa pader o post-it o tv ang kausap mo. naghahanap ka minsan ng aakbay sa yo pag nagngangangawa ka pag nami-miss mo aso mo. yung hahawak sa kamay mo habang nanonood ng accuweather. naghahanap ka ng majo-jombag pag nanggigil ka. naghahanap ka ng aawayin pag nagpi-PMS ka. naghahanap ka ng magbibigay sa yo ng bulaklak dahil sawa ka na sa kakabili ng bulaklak para sa sarili mo sa shop rite. sawa ka na rin manood ng sine na mag-isa. hiya ka namang mag-aya kasi kuripot ka, ayaw mong ilibre sila. ayaw mo rin makaistorbo kasi nga wala kang sasakyan so syempre kelangan pa sila mag-aksaya ng gas at kelangan pang mangawit ng singit nila sa pagda-drive para sunduin ka. so bibili ka na lang ng dvd. o kaya youtube na lang pagtitiyagaan mo.

syempre may kaibigan ka rin naman. may kaibigan kang pedeng sabunutan, kagatin, suntukin pag feeling barbaric ka. may kaibigan kang kaladkarin na isang tawag mo lang mamamalayan mo na lang nasa chinese buffet na naman kayo at lumalafang. may kaibigan ka pa rin naman na pede mong pagbuhusan ng mga mura at ka-jologan ng buhay mo. pero iba e. iba talaga.

parang hinahanap mo yung may masasabihan ka nang lahat-lahat. no holds barred, ba. yung kaya mong sabihin yung lahat ng kalokohan, ka-abnormalan at kung anu-anong ka-dramahan mo na hindi ka pagtataasan ng kilay o pagtatawanan o sesermunan. yung tipong makikinig lang sya ng mabuti at hindi magiging judgemental. malihim ka kasi e. kaya hindi mo basta-basta sinasabi ang lahat ng nasa utak mo. dahil alam mong hindi lahat ng tao maiintindihan kung bakit ganito, bakit ganyan ang ginagawa mo.

hindi ka naman naghahanap ng boyfriend. ayaw mo nga nun e. kasi lalong nagugulo mundo mo. gusto mo lang isang tao na makakagaanang loob. yung anjan lang sya kahit praning ka paminsan-minsan. yung pede mong yakap-yakapin at hindi nya bibigyan ng malisya. yung anjan sya lagi pero wala syang hidden agenda. yung alam mong kahit maghubad ka sa harap nya hindi ka nya papatusin. at higit sa lahat yung hindi kayo machi-chismis. tama, kelangan ko ng bading na kaibigan, haha.

hirap ng mag-isa. nagiging KSP (kulang sa pansin).


naalala ko tuloy ung sabi ng isang kilala ko:

"pag ako ba nadulas sa banyo at nabagok at hindi na nagising sino makakaalam na patay na pala ako?".


ano koneksyon? ewan ko. hindi ko rin alam e.

0 comments:

Obedient NonConformist (old blog) © 2008 | Coded by Randomness | Illustration by Wai | Design by betterinpink!