(basahin mo ulit baka sakaling matuwa ka)
pag sinabi kong gusto kong mag-lamyerdang mag-isa
o tumambay mag-isa sa apartment ko.
at ayokong lumabas.
at ayokong may bisita.
ibig talagang sabihin loner ako?
anti-social?
di ba pwedeng gusto ko lang magmuni-muni minsan.
at gusto ko lang ng quality time para sa sarili ko?
pag ba malunkot ka
at nage-emote
ibig sabihin self-pity na yun?
di ba pwedeng nalulungkot ako kasi malungkot ako
pag ba sinabi kong nami-miss kong may ka-hold hands
o katabing nanonood ng tv
ibig bang sabihin self-pity na yun?
di ba pwedeng nami-miss ko lang talaga ung ganun?
para sa kin nde self-pity un.
kasi nde naman ako naaawa sa sarili ko.
hindi naman sa nagbubuhat ako ng buong living room set.
o ng toilet bowl.
at vain na kung vain.
kahit paano medyo mataas naman ng konti ang tingin ko sa sarili ko.
medyo meron ako na wala ka
alam mo un kung ano.
(maaring nangangarap lang ako. pero pagbigyan mo na ko)
(kung gusto mong magreklamo sa sinabi ko. sumulat ka sa sarili mong blog)
alam ko binubulong mo.
"ang yabang naman"
opinion mo yan so hindi kita itatapon sa kumukulong kulangot dahil jan
pero i'm just proving a point
eto corny na naman to.
ready ka na?
i have so much blessings
kahit na buhol-buhol ang ibang aspeto ng buhay ko
meron pa rin akong dapat pasalamatan
kaya hindi ko kelangan mag-self pity.
isa pa. ang haba kaya ng hair ko!
(joke lang. pinapatawa lang kita)
(sige sumuka ka muna.antayin kita)
napaisip lang ako.
may kanya-kanya talaga tayong interpretations.
pero wag kang mag-alala.
ayos lang. ako rin minsan pinagiisipan kita ng masama.
iba rin nagiging conclusion ko sa mga page-emote mo.
may sarili kang utak.
kaya may sarili ka ring opinion sa mga bagay-bagay.
magkaiba tayo ng upbringing.
magkaiba tayo ng naging experiences sa buhay
kaya iba-iba tayo ng reactions sa mga bagay-bagay.
magkaiba tayo pano natin i-handle ang sitwasyon.
kaya tingnan mo praning ang tingin mo sa kin
praning din ang tingin ko sa yo.
pero hopefully, mag-meet tayo half way.
pero parang trip ko ata kung bigyan mo ako ng benefit of the doubt
tulad ng binibigay ko sa yo.
kakambyo ako.
3rd gear.
sana pede kitang makausap ng matino (matino ka ako ang hindi).
yung lahat-lahat gano pa man ka-jologs at ka-corny at ka-tonto, at ka-eww pede kong sabihin sa yo.
kaso hindi pwede e.
malihim ako e.
kaya puro fragments lang tong nise-share ko.
kelangan vague lagi.
sorry. di lang talaga ako ganun ka-open.
takot kasi akong ma-misinterpret nang mas lalo e.
kaya vague. yun ang keyword. vague lang dapat lagi.
wag mo namang i-personal.
mahirap lang talaga akong mag-open ng buong-buo.
pag ginawa ko yun parang naghubo't-hubad na ako sa harap mo.
o diba napa-yuck ka.
kakayanin ba ng powers mo.
kaya bayaan na lang natin ng konti lang.
vague lang.
gist lang.
pahapyaw.
hindi mo naman ikamamatay yun pag hindi ko sinabi.
minsan ego lang naman nyan.
feeling mo hindi kita pinagkakatiwalaan.
di ba kakasabi ko lang.
na wag mong personalin?
ang kulit talaga ng lahi mo.
pero loves pa rin kita kasi friendship tayo.
kahit pano nadi-dig mo pa rin ako.
kahit alam ko minsan gusto mo na ako tirisin.
may bago akong favorite song.
i-play nyo un pag wala na ako sa mundong to.
nasa bahay ang burned CD.
marlin's lullubye ang label.
yan ka na naman.
pinagiisipan mo na naman ako ng masama.
wala akong balak.
sinasabi ko lang.
lahat tayo mapupunta dun.
sa kin matagal pa.
kasi masamang damo daw ako sabi ng isa kong kaibigan.
disclaimer:
wag kang vain.
hindi ikaw to.
hindi lang ikaw ang kaibigan ko.
disclaimer ulit:
at hindi ako galit.
nagti-trip lang na naman ako.
disclaimer na naman:
hindi rin ako defensive.
p.s.
pusang siopao.
bakit ba ako nage-explain.
e kahit ano sabihin ko
iisipin mo pa rin kung ano gusto mong isipin
so bahala ka.
malaki ka na.
0 comments:
Post a Comment