Tuesday, January 27, 2009

an open letter: suck it up!

email ko 'to sa friend ko..... pero habang binabasa ko sya parang letter ko sya para sa sarili ko......


*big hug*

hayy friendA.... hirap talaga maging adult no?

sana batang paslit na lang tayo forever na ang problema lang e pano mangungupit ng pagkain, lol.... o pano manghihingi ng pera sa nanay at tatay......

pero ano pa ba magagawa natin...... anjan na yan.... pag nasa babang-baba ka na there's no way to go but up...... when your back is against the wall theres nothing else to do but step forward......

kaya natin to...... ang dami na nating napagdaanang mga problema sa buhay im sure makakayanan natin to ulit...... ayokong tanungin ka kung ano na ung details nang nangyayari sa yo (sabihin mo lang sa kin pag ready ka na) pero we can't correct our mistakes by another mistake so make the best out of the bad situation na lang....

hahahaha....alam ko madaling sabihin pero mahirap gawin..... ako din may mga regrets sa buhay..... like, napapaisip din ako minsan kung tama ba naging desisyon ko sa pagpunta dito sa US...... kasi imbis na mapaganda buhay ko parang lalong gumulo.....ewan ko ba..... nakakabayad nga ako ng utang ko pero parang ang kapalit naman sobrang stress at depression (plus mga kung ano-anong bagay/tao na nawala at kinuha sa kin)........ naiisip ko tuloy kung worth it ba tong decision na ginawa ko...... kaso lang andito na 'to, andito na ako.... ..... sabi nga e "suck it up"..... lunukin na lang sabay talon para masaya! lol........

may nabasa ako, sabi, pag ang isang tao daw hindi na alam kung ano gagawin nya given a situation dun lumalabas ang totoong character nya, ang totoong ugali...... sa palagay mo sa yo, ano ang lalabas na totoong ugali mo? hopefully positive........ kaya basta bago ka gumawa ng kahit ano pag-isipan ng 100x....... tsaka minsan ang nagiging solusyon lang sa problema communication..... kaya un ang unang-una mong gawin..... sabihin nasa loob mo..... wala tayong ESP, sila rin wala....so hindi nila malalaman anong nasa isip mo kung di ka magsasalita.........


take it easy..... minsan naman naso-solve mag-isa ang problema...... alam ko yung feeling pag involve ang ??????????????..... pero minsan kelangan talaga mag-let go na lang...... kung kaya mo silang kausapin kausapin mo..... pag ayaw makinig sa yo atleast you did your part....... pag ganun, there's nothing left to do but to respect their decisions..... mahirap maintindihan kasi wala tayo sa "shoes" nila...... pero let's hope and pray na maging ok pa rin ang lahat......


tsaka pala..... eto corny pero sasabihin ko na rin...... effective pa rin ang dasal.....

kaya mo yan friendA!

*big big big hug*

0 comments:

Obedient NonConformist (old blog) © 2008 | Coded by Randomness | Illustration by Wai | Design by betterinpink!