Wednesday, July 16, 2008

kalokohan!


i used to write a lot of poems when i was younger....... i still do, when inspiration strikes...... most of my poems are in english but i like my tagalog poems better.......

here's one of the poems i wrote years ago...... sorry, it's in tagalog...... this is the time when i was still all pimply, lol......

can you guess what "alipores" and "alagad" are? tell me, lol


KALOKOHAN...
Aug. 5, 1998



Ano ba 'yan gising pa rin ako
Nag-iisip lang nang kung anu-ano
Nakahiga at pinipilit na ang sarili'y ipaghele
Maya-maya'y magbibilang naman ng pako sa kisame


Paikot-ikot sa higaan at hindi mapakali
Maya-maya'y tatayo at mangangamot ng kili-kili
Hihiga ulit at magpapaikot-ikot
Ano ba 'yan, para akong hindi mapakaling surot.


Hihikab, pipikit, didilat, iikot,
Iikot ulit, pipikit, hihikab and then didilat,
Maya-maya'y tatayo at magbubutingting,
Para tuloy akong bubwit na may tililing.


Hihinto...mag-iisip...mangingiti
Ah! siguro sa akin ay may nag-iisip
Kaya ang mga mata ko'y di ko mapapikit
Haay, iba na talaga ang sadyang marikit.


Sino ba naman sa aki'y hindi mabibighani,
Sa taglay kong kagandahang hindi mawawari,
Taghiyawat sa mukha na talagang kay dami,
Polka dots na rosy cheeks na ako lang ang
     pinalad na mag-ari.


At sino pa ang sa aki'y hindi mabibighani
Sa aking kutis na sadyang kay kinis,
Ano'ng kinis na sa batok ko lang iyong masisilip.


Grabe talaga! wala silang masabi
'Pag ako na ang naglakad sa may tabi-tabi
Lahat sila'y sa aki'y nakatunganga
Bilib sila sa kakaibang "creature" na
   sa kanila'y nakatambad


O ngayon, bilib ka na ba Celedonia,
Sa aking mukhang ubod nang ganda?
Ako lang ang may aratilis,
Na pwedeng laging matiris.


At hahanga ka pa sa 'king katawan,
Na hayop sa laki nang balakang
Na sa iyong kaawa'y pwede mong ipambambo
At sa iyong labada'y pwede ring palu-palo.


Hay naku, ako'y para nanamang nahihibang.
At ang mga naiisip ko'y sadyang nakakabuang
Mahihiga ulit at magpapaikot-ikot,
Maya-maya'y kili-kili (ko) naman ang kinakalikot.


Ngayon ay nangangapa naman siya
Kinakapa ang dapat makapa
At sa kanyang pagkapa siya'y namangha
"Aba'y ang aking alipores ay marami
    na naman pala!"


Kaya pala ang kili-kili'y ayaw kong tantanan
Dahil sa mga alagad kong naglantaran.

0 comments:

Obedient NonConformist (old blog) © 2008 | Coded by Randomness | Illustration by Wai | Design by betterinpink!