naaawa naman ako sa lolo mo. gudnes!
tatagalugin ko kasi ayokong mabasa nya. anyway, yun nga. naaawa ako sa kanya. sobra. hayyy. pero kasi naman e. hindi ginamit ang dapat gamitin bago gumawa ng move e. juzku. hindi nag-iisip. ayan. nagkaloko-loko tuloy. ang bad ko ba. ayoko syang masamang-bibig, letch, hirap itagalog, lol pero kasi, grr talaga. kung medyo inintindi lang sana nyang mabuti yung sulat ko sa kanya sa yahoo. kung ninamnam lang sana nya muna yung mabuti. kung ni-digest nya bago sya gumawa ng maling hakbang e di sana "medyo ok pa". ang kaso mo. praning kasi. hay. ewan.
pero honest to goodness. naaawa ako sa kanya pramis. hayyy. alam ko nahihirapan yun e. kasi ... mahaba hair ko, lol. joks lang. feeling ganda na naman. hindi. basta. naging oa yun sa reaction nya kasi yun ang naging defense mechanism nya. yun lang yung alam nyang paraan para mag-cope. ang kaso nga lang. lalo nyang pinalala yung dapat e medyo maayos pagn sitwasyon. hahaha. tama na. masyado na kayong naiintriga. at ayokong magbigay ng clue.
basta ang alam ko natutuwa ako sa kanya dahil mabait sya. madami syang ginawa para sa kin. pero dahil sa ginawa nya ayoko na syang makita. foul e. foul talaga yung ginawa nya.
ngayon kelangan kong mag-isip kung pano ko isosoli ung mga cd nya at ung, hmm, pano ba tagalugin yun, yung panlabas na matigas na disk. hahaha. ang fangit pakinggan. basta yun na yun. ang bigat kasi nun. pede kong i-mail sa kanya kaso magkano kaya aabutin nun. hmm. ayoko na syang makita kasi e. kaya ayokong ibigay un sa kanya ng personal.
p.s.
isa yun sa dahilan kung bakit ako
nagbago ng number.
0 comments:
Post a Comment